Wednesday, August 24, 2011

ABANGAN! BALITAAN SA ALOHA!

[Si Usec. Robert T. Rivera, gawing kaliwa, kasama si Fr. Benigno Beltran [gitna] at si Lolly R. Acosta.]

Ano ba etong Balitaan sa Aloha Hotel ni Lolly R. Acosta, Presidente ng NAIIA Press Corps, na ngayon ay balitang-balitang nagiging almusalan na daw ng mga taga Press at Media. Kamakailan ay biglaang dumating ng hindi inaasahan si Usec. Robert T. Rivera at mga batikang komentarista sa dyaro at radyo. Nasa hanay ay si Amor Virata ng pahayagang Peoples Leader na ngayon ay siyang Taga Ingat Yaman ng National Press Club of the Philippines.

Ang mga panauhing pandangal na sila Iris Ubusan, Ingat Yaman, Trustee, RO Foundation; Minerva Averilla, Senior Labor & Employment Officer, Young Workers Development Division, Bureau of Workers and Social Concern, DOLE; at, Fr. Benigno Beltran, SVD, ay nag kuro-kuro sa pagdiriwang ng WORLD YOUTH DAY na ngayon ay dinaraos sa Madrid Spain.

Kamakailan lamang ay dumalo si Usec. Robert T. Rivera sa paglapag na paglapag ng kanyang eroplano mula sa Los Angeles sa isang launching ni "EJ PARK" upang suportahan ang adhikain ni Bella E. Dimayuga para sa mga kabataang Pilipino na napapabalitang pinabayaan ng kanilang mga amang Koreyano at ngayon naman ay sa isang adhikain nauukol sa WORLD YOUTH DAY sa Balitaan sa Aloha ang dinaluhan ni Usec. Robert T. Rivera.

Ito ba ay hudyat ng pagbabalik ng isang dating batikang Undersectary for Operation sa pamahalaang Arroyo na siyang nagpapatakbo ng Press Operation ni GMA sa loob ng limang taon sa larangan ng pag kakawang gawa? O, isang hudyat sa panibagong yugto ng mga adhikain na ilulunsad ni Usec. Rivera?

Abangan . . . BALITAAN SA ALOHA tuwing Miyerkules 9:00 - 11:00 ng umaga ni Lolly R. Acosta.

(Balitaan sa Aloha tuwing Miyerkulas, 9:00 - 11:00 a.m., Aloha Hotel.)




.



No comments: